The Pros and Cons of Telecommuting

Alam kong hindi ka papalag kapag sinabi kong stressed ka sa heavy traffic araw-araw. Isama mo pa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ako nga na may sasakyan, mas pipiliin ko pang mag-commute o maglakad kung malapit lang din naman ang pupuntahan. Ewan ko na lang kung hindi pa lalong sumakit ang ulo mo sa biyahe papasok sa trabaho dahil dito.

Read Also: 5 Things I Learned from Quitting My Day Job

Pero wait ka lang. Mukhang gagaan ang buhay mo kapag tuluyan nang naisabatas ang Telecommuting Act of 2017 o Work from Home. Aprubado na ang panukala sa House of Representatives kamakailan at noong isang taon pa naipasa ang Senate Version nito.

Layon ng panukalang batas na isulong ang Work-from-Home program for employees o ang pagtatrabaho ng mga empleyado sa bahay bilang alternatibong pamamaraan kasunod ng diumano’y lumalalang working conditions sa Pilipinas dahil sa traffic.

Sa isang pag-aaral ng Boston Consulting Group noong 2017, lumalabas na 66 minutes ang average wasted time o ang nasasayang na oras ng average Filipino kada araw dahil sa traffic. Katumbas ito ng mahigit isandaang libong pisong halaga ng income opportunities. Hindi pa kasama rito ang dagdag pang average 24 minutes sa paghahanap naman ng parking space.

Ang masaklap – malaki rin ang epekto sa pangangatawan at kalusugan ng tao ang matagal na biyahe mula bahay papuntang trabaho at pauwi.

Sa pag-aaral ng Washington University sa Amerika noong 2012, nadiskubreng kabilang sa mga sintomas na konektado sa mabigat na daloy ng trapiko at haba ng biyahe ang mga sumusunod: increased weight gain, lower fitness levels, higher blood pressure, at stress.

Ayon sa Employers’ Confederation of the Philippines, noon pa naman daw sinimulan ang telecommuting sa Pilipinas. May tatlong taon na raw itong ginagawa ng dalawang multinational companies. Pero hindi raw applicable ang Work-from-Home scheme sa lahat ng industriya. Gaya na lang sa manufacturing at operations businesses na kailangang may nakatutok na mga empleyado.

Ano ba ang pros at cons ng Work-from-Home?

Bukod sa bawas-stress sa traffic, mas tipid din ang empleyado kung sa bahay siya nagtatrabaho. Bawas-pasahe na, tipid ka pa sa pagbili ng mga corporate attire. Mas mataas din ang productivity level dahil iwas sa mga distraction gaya ng co-employees. Mas maaliwalas ding magtrabaho sa personal space. Bihira rin mag-resign ang empleyadong sa bahay nagtatrabaho. Dahil hawak mo ang oras mo, puwede mo ring magawa ang ibang appointments. May advantage din ito sa mga employer – bawas sa rental fee at electricity rates.

Kung may pros, may cons din ang Work-from-Home. Mahirap mag-manage ng mga taong nagtatrabaho sa bahay. Bilang employer, mahirap tiyakin kung nagagawa niya ba o hindi ang kanyang tungkulin. Kung minsan, mahirap din ang communication through technology. Iba pa rin ang talaga ang personal meetup ng employer at employee. Disadvantage din ito dahil nawawalan ng teamwork. Nagmimistulang loner ang empleyadong nagtatrabaho sa bahay.

Read Also: Time Management 101: How to Get More Things Done

Sa mga Pilipinong naghahanap ng Work-from-Home, try n’yong bisitahin ang HomeJobs.PH – isang free platform na nag-aalok ng mga trabaho gaya ng virtual assistants, graphic designers, programmers, at customer service. Hindi gaya ng ibang online applications na humihingi ng komisyon sa mga aplikante, walang babayaran sa HomeJobs.PH. Buong-buo mong makukuha ang sahod na laan sa’yo.

Sa totoo lang, importanteng pag-aralang mabuti ang panukala bago tuluyang maisabatas. Dahil ang bawat pagbabago – may pros at cons. Pero sa unang tingin – tila mas maraming pakinabang ang Work-from-Home. Malaki kasi ang matitipid ng mga Pilipino sa fuel consumption, mababawasan din ang travel time to work at mas may oras ka para sa’yong pamilya.

 

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply