SCHOOL THROWBACK 3: Blast From The Past

Pasukan na naman! Marami na namang bagong kaklase sa room, may mga tahimik, meron ding sobrang ingay. Makikita rin ‘yong mga kaklaseng laging parang foundation day kung makapagmake-up. Tapos meron din ‘yong mga bully na kaklase na laging nangungulit. Pero mas hindi malilimutan si crush na laging sinusulyapan sa kabilang row. Naalala ko tuloy noong high school days ko, isa sa pinaka-unforgettable moments ko.

First day of class noon, s’yempre excited akong pumasok kasi makikita ko na naman ‘yong mga barkada ko. Pero nagulat ako kasi may isa kaming kaklase na bago lang sa paningin ko. Isang matangkad na lalaki na nakatayo sa harap ng doorway ng room namin, Transferee pala siya galing Pampanga.

 

Noong mga unang linggo ng pasukan never ko siyang pinapansin sa classroom. Kasi naiinis ako sa kanya, sobrang yabang niya dahil basketball player nga, tapos nakapasok pa siya sa Varsity Team ng campus kaya ayon’ lalong naging mahangin. Pero habang tumatagal parang iba na ‘yong nararamdaman ko, ‘ganun ata talaga. Sabi nga “the more you hate, the more you love.”  Hindi ko alam kung bakit ganun ‘yong naramdaman ko. Bigla na lang nag-iba ‘yong pagtingin ko sa kanya. Malakas kasi appeal niya lalo na sa mga babae.

One time, kinausap niya ‘ko, tapos bigla na lang namula ‘yong mga pisngi ko at bumilis ‘yong tibok ng puso ko. Bigla siyang ngumiti noong nakita niyang ganon ‘yong naging reaksyon ko. Sabi niya ang cute ko daw kasi pulang-pula nga ‘yong pisngi ko. Siya kasi ‘yong first crush ko noong 1st year ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng mga lalaki sa campus eh siya ‘yong napansin ko.

May isang pangyayari pa sa school na na-involve ako tapos bigla siyang tumayo sa upuan niya at sinabi niya sa teacher namin na “Sir, pwede ba payagan niyo ko na resbakan ‘yong nang-bully sa kanya?”  Tapos bigla na lang nagsigawan ‘yong mga kaklase namin and ako parang lulubog na sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Na-shookt ako sa sinabi niya pero at the same time kinikilig. Simula ‘non lagi na niya kong kinaka-usap sa classroom and we starting to like each other.

Days passed, lalong lumalalim ‘yong feelings ko for him. ‘Yong tipong oras-oras iniisip mo kung anong ginagawa niya. Kung sinong mga kasama niya or kumain na ba siya. It sounds weird pero ganon ‘yong naramdaman ko eh.

Until one day, bigla na lang siyang hindi pumasok ng school. Hindi siya nagpakita ng almost 1 week sa’kin. Tapos after of his disappearance, nakita ko siya pumasok but everything has changed. Hindi na niya ko pinapansin at kinakausap. Wala naman akong ginawang mali sa kanya pero bakit ganon’ ‘yong pakikitungo niya sa’kin.

Then, nagulat ako noong pagpunta ko ng canteen, he was there sitting beside someone. I’m shookt! Kasi bakit hindi siya nagsabi sa’kin, bakit hindi niya ko kinausap. I’ve been waiting for him tapos ganon’ ‘yong makikita ko. But I still accept the fact na we’re not the same anymore.

“But he is still my first love and my first heartbreak.”

Siguro may mga tao talagang darating sa buhay natin na magbibigay lang ng lesson sa atin. Kaya all we need to do is move on and continue the life that we had. Masasabi ko pa rin sa sarili ko na worth the pain, kasi may natutunan ako.

Masaya talagang balik-balikan ang nakaraan lalo na kung ito ‘yong naging dahilan para mag-grow tayo as a human. High school life is one of the best experiences of my life.

Masaya mag-aral kaya don’t rush! Just live, laugh and love.

 

Read Also: 

SCHOOL THROWBACK BLOG 1: DUMI DAMI KAMI

SCHOOL THROWBACK BLOG 2: PERKS OF BEING A “BS ORG MAJOR”

SCHOOL THROWBACK BLOG 4: TAMARAW’S FAVORITE TAMBAYAN; FEU’S MARK OF LIBERTY

SCHOOL THROWBACK BLOG 5: BEST SECTION EVER!

SCHOOL THROWBACK BLOG 6: IRREPLACEABLE

SCHOOL THROWBACK BLOG 7: SAMAHANG WALANG KATULAD

Leave a Reply