Pinoy Catholicism: Kultura at Pananampalataya

Bakit nag-aalay ng itlog at sayaw kay Santa Clara? Bakit nag-aalay ng lapis ang mga board passers kay Saint Jude? Bakit may Baclaran Wednesdays at Quiapo Fridays?

Ang Pilipinas ay dominanteng Romano Katoliko. Sagrado kandado, sabi nga ng iba. Ngunit kung ating susuriin, may ilang mga paniniwala, kaugalian, at kaganapan ang mga Pilipinong Katoliko na hindi matatagpuan sa Bibliya o sa opisyal na katuruan ng Vatican. Sa halip, ang mga ito, gaya ng mga tanong sa panimula ng article na ito, ay may halo ng mge elemento ng kulturang Pilipino.

Read also: Baybayin and House Bill 1022: “National Writing System Act”

Folk Catholicism. Ito ang tawag sa pagsaliw ng mga nakagisnang kultura at paniniwala ng isang bansa sa Katolisismo. Halimbawa, sa kabila ng pagiging Katoliko ng bansang Mexico, may mga kaganapan at debosyon din silang matatawag na folk catholicism. Halimbawa nito ay ang masaya at makulay na Dia de Muertoś o Day of the Dead na ipinalabas sa pelikulang Coco (2017) at ang debosyon ng ilan kay Kamatayan o Santa Muerte.

Hindi ipinagbabawal ng Simbahan ang mga folk catholic practices kung hindi naman ito taliwas sa mga turo ng Simbahan at kung mas napapatatag nito ang pananampalataya ng tao. Halimbawa ang siyam (9) na Huwebes na ipinag-nonovena ng mga board examinees kay St. Jude, aka Patron Saint of the impossible, of the hopeless and despaired, and of desperate cases and lost causes.”

Ang Pilipinong “brand” ng folk catholicism ay nagpapakita ng ating matinding pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at sakripisyo.

Read also: So Many Dates, So Little Love

Sa Bulacan, ang Obando Fertiliy Rites ay nagpapakita ng pagsasayaw bilang isang porma ng debosyon kay Santa Clara, isang panalangin upang magka-anak.  Ang Pakil, Laguna naman ay may sayaw na Turumba na alay sa Virgen Dolorosa at dinadayo ng mga may sakit upang gumaling.

Ang Moriones ng Marinduque at Translaćion ng Nazareno ay mga halimbawa naman ng folk catholic practices na nagpapakita kung paanong ang komunidad at personal na sakripisyo ay nagpapaigting ng pananampalataya.

Sa aklat na Culture and History ni Nick Joaquin, sinasabi n’yang ang Sinulog Festival, lalo na ang fluvial procession nito, ay naimpluwensyahan ng paganong kaugalian ng mga sinaunang Pilipino.

Read also: ‘Ang Panahon ng Halimaw’ and the Devil of Philippine of History

Ayon sa sikat na National Artist for Literature, nang dumating noong 1565 ang ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi, natagpuan nila ang imahen ng Santo Niño sa mga katutubo ng Cebu na inihandog ni Ferdinand Magellan kay “Reyna Juana” ilang taon na ang nakakaraan.

Sa ilang taong nawala ang mga conquistador at prayle sa Pilipinas, nakilala ang Santo Niño bilang isang makapangyarihang anito na may kakayahang kumontrol sa panahon. At sa salaysay ni Joaquin, upang umulan, dinadala ng mga katutubo (sa pangunguna ng Babaylan) ang imahen sa dagat at itinutubog ito sa tubig, kasabay ng mga pagsusumamo para umulan.

Makulay ang kasaysayan ng Katolisismo sa Pilipinas. At walang dudang pinayaman nito ang kulturang Pilipino sa pagdaan ng panahon. Ngunit hindi rin naman maitatanggi na ang kulturang Pilipino ay nagpayaman at nagbigay kulay din sa ating pananampalataya.

Dom writes for pay by day and writes for passion by night. He is a Japan major at the University of the Philippines. He’s fond of ramen and anime but not of nice people.

Leave a Reply