It Runs in the Blood

Musmos pa lang daw siya, alam na ng beinte ocho anyos na si Stephanie de Vega Mercado o mas kilala sa palayaw na “Paneng” kung saan siya dadalhin ng kapalaran.

Masayang binalikan ni Paneng ang kanyang kamusmosan, “Naka-walker lang ako pero lakad ako nang lakad sa oval.” Madalas daw siyang isama ng kanyang Mama sa mga training sa Ultra. Ang tinutukoy na Mama ni Paneng, walang iba kundi ang kinilalang Asia’s fastest woman noong dekada ochenta na si Lydia de Vega-Mercado.

Dahil parang anino na ng kanyang Mama, mabilis na-expose si Paneng sa iba’t ibang uri ng sports gaya ng badminton, tennis, volleyball at swimming. Pero ni minsan, hindi raw siya pinilit ng kanyang Mama na mag-track and field para sundan ang yapak niya. Hinayaan daw siyang pumili ng gusto niyang sport.

Highschool nang nagsimula sa volleyball si Paneng. Hindi niya raw malilimutan ang paulit-ulit na payo ng kanyang Mama, “Mahirap maging isang atleta pero pag napamahal ka na sa sport mo, marami kang kailangang isakripisyo. I-disiplina mo ang iyong sarili, alagaan ang iyong katawan, siguruhing marami kang pahinga at kumain nang tama. At higit sa lahat, kahit gaano kahirap ang mga ensayo, huwag kang susuko.”

Read Also: The Real Lives of Writers

Paneng is one of the 13 commercial volleyball players of Petro Gazz Angels, ang kauna-unahang koponan ng newest oil company in the country na Petro Gazz sa Premier Volleyball League (PVL). Ayon kay Petro Gazz President Ricky Villavicencio, “This is a long-term commitment for us with the PVL and we have high hopes for our team.”

Kasama rin sa Petro Gazz Angels ang teammates ni Paneng sa DLSU na sina Relea Ferina Flores Saet, Jeushl Wensh Tiu at Cienne Mary Arielle Cruz. Other players include Djanel Welch Cheng, Rica Jane Enclona, Rachel Anne Austero and Ranya Musa of College of Saint Benilde, Maricar Nepomuceno of National University, and Alyssa Gayle Layug of Technological Institute of the Philippines. May dalawa rin silang import players mula sa Estonia at Ukraine.

From being a varsity player, Paneng is now ready to conquer the commercial arena. She never stops training. She goes to gym every other day. She does court training and practice from Monday to Saturday. Sa haba ng kanyang ensayo, sinisiguro niyang kumakain siya sa tamang oras. Hindi raw siya nagpapalipas ng gutom. She adds, “Umiinom ako nang multi-vitamins at natutulog nang mula 11 hanggang 13 oras kada araw.”

Read Also: The Dilemma of Working on Television

Paneng has this message to aspiring volleyball stars, “Kapag kayo ay may goal, gawin n’yo ang lahat para makamit ito. Tiisin ang hirap ng mga ensayo dahil ditto kayo matututo na maging isang mabuting manlalaro. Laging making sa coach at huwag kalimutang i-balanse ang oras sa pag-aaral at paglalaro.”

No doubt, kamangha-mangha at kapuri-puri talaga ang pagkahilig ng kabataan gaya ni Paneng sa larangan ng sports. Mas mainam naman talagang ituon ang atensyon sa mga bagay tulad nito kaysa malulong sa masamang bisyo.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply