How to Get High Scores In Exams

Getting high scores in exams cannot be done overnight. Hindi ka makaka-perfect score sa pagsusulit kahit pa magpuyat ka bago ang scheduled exam. Importanteng magkaroon ng study habit para hindi nagka-cram at nagpa-panic pagdating ng exams. Kung gusto mong maka-100 points, dalasan ang pagre-review.

Read Also: I am A Teacher’s Pet

Mag-aral nang naaayon sa iyong style. Marami ang nag-aaral sa tahimik na lugar at ayaw magpa-istorbo gaya ko. Istilo ko ring bigkasin ang lessons nang malakas. Mas nasasaulo ko kasi ang aralin kapag nire-recite ko.

May ilan namang nagsusulat ng key words sa papel habang nag-aaral para may reviewer na rin sila.

Mas name-memorize daw ng ilang estudyante ang lessons kung may iba silang ginagawa gaya ng pakikinig ng radyo. Napatunayan din ng mga pag-aaral na ang exposure sa music bago ang isang matinding mental activity gaya ng pagsusulit ay malaki ang naitutulong para gisingin ang iyong utak at palakasin ang iyong kamalayan.

Kumain nang wasto. Malaki ang maitutulong ng tamang pagkain. Eating healthy will generally boost brain performance too. Nakaka-distract sa pagkuha ng exam ang pagiging gutom.

Sleep well. Importanteng may sapat na tulog bago kumuha ng pagsusulit. Huwag magpuyat para fresh sa isip mo ang lahat ng pinag-aralan.

Ihanda rin ang lahat ng kailangan gaya ng extra papers, ballpens, pencils, erasers at calculator kung pahihintulutan ng iyong teacher. Hassle kung wala kang gamit at magiging parasite ka na naman sa iyong mga kaklase.

Magbaon ng bottled water sa exam. Mas mabilis daw makapag-isip ang taong laging hydrated.

Sa exam proper, sagutan muna ang mga parte na alam mo. Pero tiyaking balikan ang mga number na nilaktawan. Okay ang style na ito lalo na kung may time limit ang exam. Huwag mag-iiwan ng blangko.

Cross out the wrong answers. Kung multiple choice ang test, alisin na sa pagpipilian ang mga option na alam mong imposibleng maging sagot. Sa ganitong paraan, mas mabilis ka nang makaka-decide ng tamang sagot.

Read Also: Productive Activities for Unemployed Fresh Graduate

Maghanap ng clues sa ibang test questions. Madalas nasa ibang number lang ang sagot sa tanong.

Useful ang ibang tricks para mabilis na masaulo ang numbers, categories at lists. Halimbawa, Roy G. Biv – ang pangalan na kapag na-spell out mo ay ang pagkakasunud-sunod ng rainbow colors (red, orange, yellow, green, blue, indigo at violet). Isa pang halimbawa, “Katy Perry Came Over For Great Songs” – mabisang paraan para maalala mo ang biological classifications (Kingdom, Phylum, Class, Order, Family, Genus, at Species).

Sa totoo lang, kahit anong aral mo, ‘pag hindi mo sinamahan ng dasal – balewala rin. Kaya huwag kalimutang manalangin para gabayan ka Niya sa ‘yong pagsusulit.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply