How to conserve fuel?

Mahal pa rin ang presyo ng petrolyo sa merkado. Mas magmamahal pa ‘yan sa mga susunod na taon dahil sa epekto ng TRAIN Law.

Pero ayon kay Ricky Villavicencio, President ng Petro Gazz – ang pinakabagong oil company sa local market, nananatiling volatile ang presyuhan sa world market. Hindi nila masabi kung pataas o pababa ang pricing trend dahil malikot daw ang galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Read Also: #Grabwisit: 3 Reasons Why We Dislike Grab

Tayong mga motorista ang naiiwang luhaan sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon, tipid tips sa konsumo ng petrolyo ang dapat nating bigyan ng pansin para maibsan ang bigat ng mataas na presyo.

Bago lumarga, planuhin muna ang biyahe. Mahalagang alam ang alternate routes para hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

Importante ring laging nakabukas ang radyo o TV ng sasakyan para sa traffic updates. Malaki ang maitutulong nito para makaiwas ka sa mga congested area.

Read Also: Motorbike Riders Decry ‘Criminal’ Tag

Iwasan ang malimit na pagpatay at pag-start ng makina dahil makonsumo ‘yan sa petrolyo.

Manatili sa steady speed – kung nasa expressway ka, 80kph ka lang, mas tipid ito kaysa bumibirit ka nang 120kph. Baka mahuli ka pa pag nag-exceed ka sa allowable speed limit.

I-anticipate ang red signal o kung paliko ka sa kanto, mag-menor. Mag slowdown imbes na biglang preno na mas makonsumo.

Kung malamig naman ang panahon, huwag nang buksan ang air con para tipid sa konsumo ng petrolyo.

Read Also: Millennial Money-Saving Tips 

I-practice ang gradual acceleration. Ibig sabihin, huwag biglang andar sa green light – para tipid sa konsumo. Ayon sa pag-aaral, isang kilometrong takbo ang dagdag nito.

Huwag ibabad ang paa sa clutch. Kahit konting apak lang habang tumatakbo ay nakababawas ng power, aksaya sa gas, at nakasisira ng clutch. Iakyat agad sa high gear para bawas-konsumo.

Alisin ang mga hindi kailangang karga sa compartment – umuubos ng power at nagpapahina ng makina ang bigat ng sasakyan.

Read Also: Have Pen, Will Travel: Journalists Roam the World

Laging magkarga ng tamang tire pressure. Kung under-inflated, mas makonsumo.

Sa huli – kung bibili ng sasakyan, pumili ng fuel efficient na sasakyan. Alamin din ang wastong pangangalaga rito para makatipid sa konsumo ng petrolyo.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply