Gulayan sa Paaralan

Aminado ang Department of Health (DOH) sa laki ng problema sa malnutirisyon sa bansa. Ika-9 ang Pilipinas sa sampung bansang may pinakamaraming bansot o stunted growth sa edad na lima pababa.

Sa datos ng 2015 Food and Nutrition Research Institute (FNRI), lumalabas na stunted o bansot ang 3 sa 10 bata sa bansa.

Kaya mabuting maaga pa lang maipaalam na sa mga bata ang kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulay. Dahil sa sustansiyang dala, malaki ang maitutulong nito para manatiling malusog ang pangangatawan. Kaya ginugunita tuwing Hulyo ang Nurition Month. Bahagi ito ng programa ng Department of Education (Deped) para turuan ang mga bata ng wasto at tamang nutrisyon.

Ibahin n’yo ang Tinabunan Elementary School (TES) sa Imus, Cavite. All-year round ang pagtuturo nila sa mga bata ng kahalagahan ng nutrisyon. Katunayan, isa ang TES sa tatlong eskuwelahan sa buong bansa na tinaguriang ‘Sentinel School’ Integrated School Nutrition Program.

Ayon kay Mr. Jesus Bergado, Principal ng TES, layon ng programa na puksain ang malnutrisyon sa mga batang mag-aaral ng Pilipinas sa pamamagitan ng Gulayan sa Paaralan Program, School-Based Feeding Program at Nutrition Education.

Bilang Sentinel School, nagsisilbing modelo ang TES ng mga maaaring makamit kung isasagawa ng magkakaugnay ang iba’t ibang programang pang-nutrisyon, kalusugan, at agrikultura. Sa loob ng eskuwelahan, matatagpuan ang isang Bio-Intensive Garden na may tanim na katutubong gulay.

Read Also: RRI Announces 2018 ‘Rice Olympics’ in Singapore

Mga Iba’t Ibang Uri ng Halaman Pag-pasok sa Bio-Intensive Garden

Pinayayabong ang mga tanim doon gamit ang mga organikong materyal mula sa kalikasan. Ginagamit naman sa feeding program ang mga aning gulay mula sa hardin upang matiyak na ligtas at masustansiya ang pagkaing ihahain sa mga mag-aaral.

Read Also: Ten Reasons Brunei Darussalam is Worth The Visit

Mga sari-saring spinach at vegetable fern na isang katutubong gulay na tumutubo sa Asia.
Mga malulusog na gulay na itinanim.

Read Also: Different ‘Fathers’ of the Philippines

Mga recycled na lalagyan ng halaman gawa sa bote ng tubig.

Read Also: President Duterte Signs Balik Scientist Law

Mga bagong tanim na gulay.

May nutrition education din ang TES para lubos na maunawaan ng mga mag-aaral, magulang, at miyembro ng pamayanan ang halaga ng paghahalaman.

Read Also: When Students Are Reduced to Numbers

Bukod sa pagiging model school, sentro ng kaalaman din ang eskuwelahan upang matutunan ng mga kalapit-paaralan at komunidad ang integrated nutrition model.

Dasal kong maging ehemplo ang gaya ng TES para mas pagyabungin ng iba pang paaralan ang kanilang kaalaman tungkol sa wasto at tamang nutrisyon. Sa ganitong paraan, kahit papaano’y matutulungan nating labanan ang malnutrisyon sa bansa.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply