Ghost Month: Malas o Swerte?

Sa Chinese folk legend nakuha ng mga Pilipino ang paniniwalang malas ang hatid ng tinaguriang ‘ghost month’ o ang ika-pitong buwan sa lunar calendar. Ngayong taon, magsisimula ang ‘ghost month’ sa August 11 at magtatapos sa September 9.

Ayon sa mga feng shui expert, katumbas ng ‘All Saints Day’ o ‘All Souls Day’ ang festival na ito ng mga Chinese. ‘Yon nga lang, isang buwan itong ginugunita sa kanila.

Read Also: 5 Things on Taiwanese Culture I Wish We Have Back Home

Base sa kuwento ng mga sinaunang Tsino, bumubukas daw ang gates of heaven tuwing ‘ghost month’ at pinakakawalan ang mga espiritu. Sinasabing nagugutom at nauuhaw raw ang mga naturang elemento. Kaya naghahanap sila ng puwedeng makainan at mainuman habang nasa mundong ibabaw.

August 25 naman ang peak ng ‘ghost month’, kung kailan sinasabing nakawala na ang lahat ng espiritu.

Negative energy, sickness, misfortune at bad luck ang pinaniniwalaang ikakalat ng ‘hungry ghosts’ ngayong ‘ghost month’.

Kaya maraming Chinese ang nag-aalay ng masasarap na pagkain at inumin.

Hindi naman daw kailangang maging magastos baka makontra ang bad vibes na hatid ng ‘ghost month’. Sa isang TV interview, nagbigay ng ilang tips ang Feng Shui Master na si Hanz Chua.

Read Also: Ramadan: FYI

Magbalot ng asin sa pulang tela at ilagay sa bulsa – mabisa raw itong pangontra sa malas.

Maliban sa asin, puwede ring bawang ang ibalot sa pulang telang ibubulsa – takot daw rito ang masasamang espiritu.

Takot din daw sa luya ang bad spirits. Talian daw ng pulang tela o sinulid ang luya, saka isabit sa bag.

Mainam din daw kung magsusuot ng pulang damit o magdala ng matitingkad na gamit gaya ng panyo at bag – effective daw na pantaboy ng malas.

Dahil uhaw ang mga espiritu, iwasan din daw mag-swimming. Mas attracted daw ang bad spirits sa mga matubig na lugar.

Iwasan din daw ang new activities at dangerous sports.

Hangga’t maaari, huwag magpakasal sa ‘ghost month’. Kung na-set na ang date, itakda ang seremonya sa umaga hanggang tanghali.

Ayon din sa mga paniniwala, hindi maswerteng mag-open ng negosyo sa ganitong panahon.

Read Also: Rituals, Beliefs, and the Sacred Mountains of the B’laan Tribe

Ipagpaliban din ang medical procedure dahil baka tumagal daw ang recovery period.

Iwasan ding ang air at sea travels.

Hindi naman masamang maniwala sa mga nakaugaliang tradisyon. Pero huwag natin kalimutang sa Poong Maykapal lang tayo dapat nananampalataya at nagtitiwala.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply