#BestColorforJobInterview

Kung dati’y hindi mo masyado pinagtutuunan ng pansin ang kulay ng iyong interview attire, baka kailangan mo nang simulan ngayon.

Tandaan, “first impression lasts”.

Hindi naman kailangang gumasta nang malaki. Dahil wala pa namang budget, baka puwedeng manghiram na lang muna kina Kuya at Ate. O kaya maghanap ng abot-kaya sa mall. Puwede rin naming mag mix and match na lang ng mga napaglumaan ng damit. Ayon sa pag-aaral, ang dapat isaalang-alang ng aplikante ay ang kulay ng damit na isusuot. Binanggit sa isang article ng jobstreet na sa loob lang ng isa’t kalahating minuto, may assessment na agad sa’yo ang isang tao. Sixty-two hanggang 90% nito ay naimpluwensiyahan daw ng kulay.

Read Also: Si Bato At Ang Batók, Tattoo Sa Pilipinas

Ano nga ba ang “best” at “worst” colors sa job interviews?

BLUE Dahil sa TV ako nagtrabaho noon, highly recommended ko ang blue. Maganda at malamig ito sa paningin. Ayon din sa mga eksperto, asul ang may highest approval sa mga would-be employer. Bukod sa cool ang kulay, nagpapakita raw itong credible at trustworthy ka. Pinapamalas din nitong kalmado at may kumpiyansa ka sa sarili.

GRAY Simple ang gray. Pag ito raw ang kulay ng suot mo, classy pero approachable ang dating mo. Karaniwan din itong iniuugnay sa pagiging analytical at logical, kaya madalas daw isuot ng mga aplikante sa anumang propesyon. Madali ring ternohan ng ibang kulang ang gray. Kailangan mo lang magpamalas ng dagdag na personalidad sa ‘yong suot.

BLACK Pinakamataas sa authority scale ang black. Effective itong isuot kapag ang ina-aplayan mong trabaho ay managerial o executive positions na. Maging cautious ka sa pagsusuot nito dahil baka isipin ng would-be employer mong overpowering ka lalo na kung entry level o administrative position ang ina-aplayan mo.

Read Also: The Correlation Between ‘Safe Spaces Bill’ And Make-Up

WHITE Universal color ang white na ang ibig sabihi’y purity at simplicity. Ito ang madalas na kulay ng pang-itaas na damit gaya ng shirts at blouses. Maganda ring magsuot ng crisp white jacket para bigyang liwanag ang dark tops. Sabi ng marami, organisado at detalyado kang tao kapag naka-putting damit. Positive traits ito para sa would-be employer mo.

BROWNNeutral color ang brown na ang ibig sabihin daw ay comforting at reliable ka. Bagaman walang negative associations kung ito ang kulay ng suot mo, hindi naman ito bagay kung gusto mong ipakita sa would-be employer mong modern at progressive ka. May impression kasing makaluma ang brown.

RED Kung ako ang tatanungin, hindi maganda sa paningin ang pula. Medyo mabigat sa mata. Ika nga nila, color of power, passion and aggression ang red. Baka magmukhang bossy ka kung ito ang kulay ng damit na suot mo. Pero okay lang maglagay ng dash of red sa damit gaya ng tie o scarf, na hindi naman magmumukhang overconfident ka.

Read Also: The Real Lives of Writers

YELLOW Ito ang most luminous shade sa color spectrum. Kapag ito ang kulay ng suot mo, parang kita sa’yo ang imahe ng haring araw na nagpapamalas ng positivity at happiness. Yellow ang highly recommended color choice ng mga eksperto sa mga creative professionals.

GREEN Usually associated ang green sa kabataan, kapayapaan at kaligtasan. Magaan din sa mata ang berde kaya calming impressions ang hatid nito sa would-be employers. Sa kabilang banda, tila inexperience ka raw kapag ito ang kulay ng suot mo. Upang labanan ito, magsuot ng darker shades of green para maipamalas ang maturity.

ORANGE & PURPLE

 

Gaya ng red, masyado ring loud at vibrant ang orange at purple kaya madalas maiisipan kang overpowering ng would-be employer mo. Okay ang mga kulay na ito kung bahagi lang ng damit na isusuot mo gaya ng tie at scarf. Kapag ginawa mo ito, magmumukha kang classy.

Read Also: The Dilemma of Working on Television

Sa huli, hindi pa rin sa kulay ng damit nakasalalay kung makukuha mo ang inaasam-asam na trabaho o hindi. Importante pa ring galingan mo sa pagsagot sa mga tanong sa’yo. At siyempre, huwag kalimutang magdasal bago sumalang sa job interview.

 

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply