Astig ang Pinoy

Hindi lang sa biritan may ibubuga ang lahing Pilipino. Pati sa sayawan, kaya rin nating makipagtagisan ng galing!

Nito lang July 30, nanalo ang Pilipinas sa World of Dance International Championship 2018 na ginanap sa California, USA. Sila ang mga grupong Nitrous Image Crew (Team Division) at Sayawatha Dance Troupe (Youth Division) na parehong nakasungkit ng ikalawang puwesto sa nasabing kumpetisyon.

May tatlumpung bansa ang sumali sa naturang dance competition kabilang ang host country na USA, Japan, Korea, United Kingdom, Spain, France at Russia.

Ang mas nakaka-proud – miyembro ng isa sa dalawang nanalong grupo ang isang estudyante ko sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila – si Divine Jelene Roberto.

Nasa lahi ng pamilya ni Divine ang pagsasayaw. Kuwento niya, “’Yong parents ko sumasayaw din naman, siguro na-inspire lang din nila ako. Pero itong skills na meron ako, ginusto ko at pinaghirapan ko.”

Read Also: ‘Ang Larawan’ Depicts How Damaged Philippine Culture Is

Naging hobby at bahagi na ng sistema ng graduating Mass Communication student na si Divine ang dancing. Katunayan, miyembro siya ng iba’t ibang dance groups sa PLM tulad ng Isko Dance Inc., CHASS TRLBLZRS at Magwayen Creative Scholars Guild.

Aminado siyang mahirap pagsabayin ang pagsasayaw at academic requirements. Pero pilit niya raw kinakaya para sa kanyang pangarap.

Kuwento niya, “Kailangan mo talagang mag-sacrifice. Tulad ko, after class, magpapractice ako. Minsan inaabot nang hatinggabi. Tapos pag-uwi ko, doon ko pa lang sisimulan ang mga dapat gawin sa school.” Kaya madalas, pumapasok daw siyang walang tulog.

Buti na lang daw at supportive sa kanya ang mga kaklase’t guro.

Hindi maipaliwanag ni Divine ang kanyang nararamdaman ngayong nag-uwi sila ng karangalan sa bansa. Bata pa lang daw, pinangarap na niyang makilala sa larangan ng pagsasayaw.

Sa mga gaya niyang nangangarap ding makasayaw sa international scene, “No pain, no gain talaga. Paghihirapan mo lahat kasi wala namang nananalo sa dance contest nang walang hirap at sakit ng katawan.”

Ang sikreto raw ng kanilang pagkapanalo, ‘connection’. Mahalagang may koneksyon daw sa isa’t isa ang mga miyembro ng isang dance group. Kailangan daw maipakita na buo at iisa kayong sumasayaw sa entablado.

Read Also: Kyline Alcantara Shines in GMA’s Top-Rating Drama ‘Kambal Karibal’

Abut-abot naman ang papuri at pagbati kay Divine ng kanyang mga classmate at professors mula sa Department of Communication ng PLM.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply