#Application101

Kung isa ka sa milyun-milyong college graduates ngayong taon, malamang abala ka na sa pagpili ng best photo na ilalagay mo sa iyong resume o curriculum vitae (CV). I also experienced the same dilemma when I graduated in college.

Read Also: The Correlation Between ‘Safe Spaces Bill’ And Make-Up

Hindi ako mapakali. Gusto ko pang Mr. Photogenic ang litratong ilalagay ko sa resume. TV Anchor Cheryll Cosim narrated in a workshop I attended that she did the same thing. She was a balikbayan from the United States and tried applying for a job in a major network. She submitted her CV, bearing her best photo ever. Luckily, she landed the job and became a news anchor and host for the said TV station. And the rest, as they say, is history.

Una kasi sa lahat, dapat ma-impress sa’yo ang would-be employer mo. ‘Yan ang susi para makuha ka agad sa trabaho. “Dream, Believe, Survive” ang tagline ng Reality Artista Seach na Starstruck. Ang katapat nitong programa sa kabilang network na “Star Circle Quest”, “Are you in or out?” naman ang famous line. Ang naging tanyag na mga linyang ito sa parehong programa, dapat isapuso at isip ng mga newly graduate. Hindi birong maghanap ng trabaho. Kaya dapat sa pagpasa pa lang ng resume, pasabog ka na!

Read Also: The Dilemma of Working on Television

Sa paggawa ng CV o mas kilala natin sa tawag na ‘resume’, maging straight to the point.

Puwede na ang isa hanggang dalawang pages. Laging isipin, busy ang mga boss na magbabasa ng iyong resume. The simpler, the better! Huwag masyadong maraming palabok. Sabihin agad ang gusto at kayang ibigay para sa kumpanya. Dahil kaka-graduate mo lang, mas i-highlight ang mga karanasan at kaalamang natutunan sa iyong kolehiyo. Pormal ang litratong ilagay. Huwag selfie para hindi magmukhang katawa-tawa ang iyong resume. Huwag ding kalimutang maglakip ng cover o application letter. Dito babanggitin ang intensyon mong mag-apply sa napiling kumpanya.

Basahing mabuti ang resume.

Read Also: The Real Lives of Writers

Makailang beses dapat i-check ang grammar at sentence construction. Nakakahiya naman kung maraming grammatical lapses at misspelled words.

Masuwerte kung mapili ka para makapag-exam. Kaya huwag sayangin ang pagkakataon. Maghanda para sa exam. Karaniwang general information ang mga tanong sa pagsusulit. Siyempre, hindi mawawala ang Math, kaunting Science at Basic English Proficiency. I-refresh uli ang subject-verb agreement at sentence construction. Malamang kasali sa exam ‘yon. Hindi rin nawawala ang logic at abstract reasoning. Kung minsan, may psychological exam pa sa ibang kumpanya.

Kung papalarin ka nga naman, matapos ang exam – ipatatawag ka na para sa initial interview. Huwag mataranta. Sabi nga ng weather expert na si Mang Tani, dapat laging ‘I am ready’. Hindi naman kailangang bumili ng bagong damit para sa interview. Ang kailangan lang isipin, dapat presentable kang haharap sa iyong would-be employer.

Read Also: Si Bato At Ang Batók, Tattoo Sa Pilipinas

Dress accordingly.

Kung sa production ka mag-aapply, okay lang na hindi ka naka-formal attire. Karamihan sa mga nagtatrabaho sa TV and Film production, comfy clothes lang ang suot dahil mainit sa location. Pero kung sa corporate companies ka sasalang, formal attire ang isuot. Karaniwang naka-coat and tie para sa mga lalaki. Naka blazer-blouse at palda naman sa mga babae. Para safe, puwede rin naming smart casual para hindi ka overdressed sa kumpanya.

Sa mga babae, okay ang make-up na ‘no make-up’ look o ‘yung tipong ‘woke up like this’ ang peg. Huwag ding magdadamit nang masyadong maiksi. Baka mawala sa focus ang mag-iinterview. Sa mga lalaki naman, huwag matapang ang gamiting pabango. ‘Yong tipong mapapalingon ka dahil masakit na sa ilong. Gaya sa paggawa ng resume, ‘the simpler, the better’ rin dapat ang isipin sa postura at pananamit sa actual interview.

Read Also: DOST bats for first “Smart Farm” in PH

Tandaan, simula pa lang ito ng totoong laban sa buhay. Huwag mawalan ng pag-asa sakaling hindi palarin sa paghahanap ng trabaho. Tatagan ang loob. Ika nga ng mga kapwa mo kabataan sa makabagong panahon, susuka pero hindi susuko.

From TV news reporting, Julius Segovia finds love in the academe, teaching mass communications courses. He also continues his advocacy on entrepreneurship.

Leave a Reply