ANONG NANGYARI SA’YO PILIPINAS? – Isang maikling sanaysay

Sa aking mga kapatid na nakakabasa ng aking maiksing sanaysay, akin ko kayong kinakamusta at kung ano na ang iyong kasalukuyang kalagayan. Matagal-tagal na rin tayong hindi nasaksihan ang isang maganda ngunit magiting na laban para sa kalayaan ng ating Inang Bayan.

Sa tatlong supremong lahi sa daigdig partikular ang mga Espanyol, Amerikano at Hapon, sila ang mga salarin sa panggagahasa sa ating Ina kaya nagbunga ang kultura at pag-uugali na ating minamana hindi lang sa kasalukuyan kundi sa mga susunod sa henerasyon.

Ngunit, hindi lang pala sila ang pilit bumabastos sa damdamin bilang isang malayang indibidwal sa pandaigdigang komunidad. Ang ibang lahi rin ang malayang nakakapasok sa ating teritoryo, ngunit hindi dahil sa ating kababayaan kundi dahil sa kondisyon kapalit ng mga benepisyo sa ngalan ng pakikipagkaibigan.

Read Also: On Jejomar Binay and Vic Sotto Being the ‘National Heroes’ of Today

This work was first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines
Litrato ni Antonio Luna

Naalala ko ang galit ni Heneral Antonio Luna sa kanyang pagkontra sa panghihimasok ng mga Amerikano sa bansa, “Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili? Mamili ka!” na hanggang sa ngayon ay dinaranas na dilema ng ating mga lider at mga namumuno sa pamahalaan.

May isang siglo na rin ang nakalipas matapos tayong makaranas ng marahas at madugong digmaan, kung ang mga dati ay may halaga pa dahil sa bawat pagtatapon ng dugo at pagbubuwis ng buhay ang kapalit sa kalayaan, ngayo’y unti-unti na rin nating napagtatanto na walang halaga ang pakikidigma’t pakikibaka na mauuwi lamang pagsasayang sa mga buhay na may kinabukasang hinaharap.

Ngayon ang kasaluyang panahon na kung saan lahat ay nagiging moderno, tingin niyo ba ay nagbago na ang lahat? Nagkakamali ka kapatid, hindi natin alam at napagtatanto na tinatakpan lang ng modernisasyon ang mga layunin ng mga mapanlamang upang samantalahin an gating kahinaan.

Isang siglo na ang nagdaan, anong nangyari sa ating bayan? Anong nangyari sa bawat taong minsan nang ipinadama na kailangan nilang lumaban para sa kalayaan? Anong nangyari sa’yo Pilipinas?

Read Also: Five Times Jose Rizal Brought Nationalism To A Whole New Level

Nagpapadaig na ba tayo sa mga lakas na pinanghahawakan nila? Naiisip ba natin na mas makikinabang tayo sa kanilang mga kalakasan kaysa labanan natin sila? Ganoon na lamang ba mga kababayan?

This work was first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines
Litrato ni Gregorio del Pilar noong 1898

Kung aayon tayo sa makabagong kaugalian, maari nating pakinabangan ang kung anuman ang meron sila? Bakit hindi, kung para rin sa ikauunlad ng madla? Ngunit, huwag nating paabutin sa puntong nanghihimasok na sila upang gawin ang kanilang lihim na kagustuhan.

Lumaban ang ating mga kababayan sa kanilang pagmamahal sa bayan, sa diplomasya man o dahas, ngunit mas pinaigting ang dahas para makamit ang soberanya ating minithi bilang isang malayang bansa katulad ng malayang indibidwal na nalalakad sa kalsada.

Huwag nating basta alalahanin ang kanilang mga nagawa para sa bayan, simple lang ang sukli sa kanilang ibinayad na dugo’t pawis para sa bagay na ito, ang pagmamahal sa kapwa, respeto sa liderato at pagmamahal sa bansa.

Read Also: Ten Proofs We Inherited Our Love for Drinking from Pre-Colonial Filipinos

Sa kanyang huling laban sa Pasong Tirad, isinambit ng Batang Heneral na hindi lang sila ang mga bayani sa bundok na iyon, kundi mga sundalong may nararamdamang pagmamahal hindi ng poot at galit.

Maging ganoon din sana tayong mga Pilipinong namumuhay sa modernong panahon.

Aking pasasalamat sa makakabasa ng aking maikling sanaysay.

 

Mula kay,

Modernong Joven Hernando

Leave a Reply